
kkk
upbeat, pop, electro
June 6th, 2024suno
歌词
ang iyong halaga'y hindi masusukat ng anong yaman na taglay ng mundong yaon. di mapapantayan maski ng pilak at ginto. dinadaig ng wari mong liwanag at ganda ang mga bituin sa langit, lalo na ang nag-iisang tala sa pagsapit ng umaga. banayad ang bawat mong haplos sa aking kaluluwa, kagaya ng tubig na kalmado sa batisan sa liblib ng kagubatan. maging ang pagbulong mo'y musika na kay inam pakinggan — parang huni ng mga ibon na mistulang nagkokonsiyerto habang nakikinig ang buong sanlibutan. masarap ka sa pakiramdam. maginhawa, malamig, at magaan. payapa, napupuno ng pag-asa, pahinga, at ng kahinhinan.
ika'y tunay na sining ng kalangitan. higit kang tunay na kasiya-siya sa mga obrang matatanaw sa kapaligiran. lubos kang kahanga-kahanga kailanman. ikaw ang pirasong kumumpleto sa larawan na matagal nang kinakabisa ng sa gayon ay mabuo—ikaw ang eksaktong pigura ng kariktan ng kalawakan.
ang pagmamalabis ng maykapal ay sinapo mong lahat. hininga mo ang bumuhay sa natutuyo kong kaluluwa—ikaw ang naging batis ng buhay na sasapat.
kanlungan kong napupuno ng sigla, tinaglay mo ang tunay na anyo ng saya. kaiga-igaya, kasiya-siya ang mapabilang sa mga larawan na iyong ipininta, maging nililok na pigura, o maski ang bawat mong kanta, maging ng mga hinabi mong prosa at tula—ikaw ang tunay na obra maestra.
tahanan, ikaw ang tunay na manlilikha ng iba't ibang anyo ng obra—magkakaiba ma'y pare-parehong may tinataglay na ganda.
IKAW ANG TUNAY NA SINING AKING KATIMAWA.
推荐歌曲
Waves of Nostalgia
pop,rock,pop rock,soft rock,oldies

Summers HEAT! Summers HEAT! Summers HEAT!
metal, bass, epic male voice, emotional peaks, powerful, aggressive, slow drums

Esto También Pasará
Alternative Pop with Hip Hop TouchesVibra: Inspiring and Reflective

Our story
sad, piano

mhs but more anime
anime music

Sahabat
Pop

Lost in a Whirlwind
dance electropop

Cayetana y Pegasus
pop bailable sintetizador

思念的潮汐
ballad pop emotional

匆匆
folk

Karena kamu
melody, piano, guitar, mellow, pop

Lily
Pop, female voice, f sharp and g flat

Bound by Walls
vocaloid, melancholy, dance, sad, pop, rnb, cyber hip hop

Till the End
sweet female vocal, experimental, witch-house, strong, instrumental opening

Cahaya Abadi (빛나는 영원)
pop, rock, Rap, Man voice

Hydelix - Breaking Free
nu metal, rock, trance, fast bpm, male vocal

เธอคือยาวิเศษ
Thai pop R&B , Women vocal



