Lyrics
(Intro)
Oooooooooooooh....
Wooooooooooooh...
Lalalalalalalalalala...
(Verse)
Lunti an ang paligid,
Maraming paru-paro ang umaaligid,
Sa mga samut-saring mga bulaklak,
Makulay at punong-puno ng buhay.
Sariwa ang simoy ng hangin,
May lamig na nagpapakalma sa mga balisang damdamin,
May hatid na aliw ang dapit-hapon,
Kahit pa nagpunong-braso si liwanag at si dilim,
At sa huli ay nagwagi ang gabi kaya lumabas si Bituin.
(Chorus)
Nakita ko ang kanyang kislap,
Nabighani ako sa kakaibang kindat na kumukutitap,
Higit pa sa alitaptap ang kanyang liwanag dahil hindi aandap-andap.
Ang matamis niyang ngiti ay nagbibigay sigla,
sa puso kong tunay na nabihag ng karisma ng isang tala.
(Bridge)
Ang mga mata niya ay may ningning,
Ang boses niya ay may lambing,
Ang yakap niya ay may init na angkin,
Ang pag-ibig niya ay hindi maihahambing.
Hmmmmmmm...
Lalalalalalalala...
(Refrain)

Oh aking Bituin...
Hmmmmmmm....