Lyrics
Ingredients:
Isang kilong manok
Dalawang kutsara ng mantika
Apat pisngi nang bawang
Kalahating sibuyas medium size
Sampung Kutsara ng toyo
Limang Kutsara ng suka
Kalahating Kutsara ng pulang asukal
Kalahating Kutsarita ng pamintang durog
Tatlong baso ng tubig
Tatlong dahon ng laurel
Ang Pagluluto:
1) Magpainit ang mantika sa kawali
2) Igisa ang bawang at sibuyas
3) Isunod ang manok
4) Haluin at takpan
5) Paminsan-minsan ay haluin hanggang mag-iba ang kulay ng karne
6) Pag nawala na ang pinkish color ng hilaw na karneng manok at pantay na ang kulay, doon ihalo na ang toyo at igisa ng isang minuto.
7) Ihalo ang tubig, suka, asukal, laurel at paminta.
8) Takpan at hintaying kumulo. Haluin paminsan-minsan. Hinaan ang apoy
9) Pagkaraan ng trenta minuto, tikman at sa puntong ito ay lasahan ng naaayon sa inyong gustong panlasa. Ito yung time na pwede ka mag-dagdag ng konting toyo o suka at konting tubig pa
10) Takpan uli. Pakatandaan na medyo mahina nalang ang apoy nito. Para hindi ito matuyuan ng sabaw at para manuot ang sarsa sa manok
11) Kung kayo ay nagdagdag ng inyong sarsa, ito ay kailangang mapakuluan uli sa mahinang apoy
12) Para malaman kung luto na ang manok ay tusukin ng tinidor ang laman ng karne. Kapag ang tinidor ay tuloy-tuloy na bumaon, ito ay siguradong luto na pero pag ito ay lumalaban pa, kailangan na takpan muli ng ilang minuto pa.
Tips
Mas mabango kung ginigisa sa bawang at sibuyas ang adobo ninyo, kesa sa pinaghalong lahat ang sangkap at pinakuluan lamang.
Paalala
Pag nasa boiling point na hinaan ang apoy na parang sini-simmer na lang. Nasa inyo na kung papatuyuan ninyo ng sabaw (adobong tuyo) ang gusto ninyo o medyo may sarsa.
(Instrumental Solo)
Mag Enjoy at Ihain ang Adobo.
(Instrumental Solo)
Mag Enjoy at Ihain ang Adobo.