Lyrics
Sa mundong mapaglaro,
May mga bagay talagang hindi sigurado
Palagi na lang tuliro kakaisip kung paano ba 'to?
Hindi na alam kung ano'ng gagawin mo
Ilang beses nang nasaktan at nasugatan,
Patuloy ka pa bang lalaban?
Hanggang kailan mo kaya susubukan? Ang dami mong alinlangan,
Maaari bang pakawalan? Malalampasan rin naman
'Wag nang mangamba, hindi ka nag-iisa,
'Wag ka nang mag-alala, dadamayan kita
Sa oras ng kalungkutan, hindi kita bibitawan,
Sa 'kin ka magpahinga
'Wag kang susuko, 'wag magpatalo,
Ano mang pagsubok ng mundo
Tibayan ang puso, lakasan ang loob mo,
Tumingala, taas noo
Na-na-nandito lang, na-na-nandito lang ako
Na-na-nandito lang, na-na-nandito lang ako
Na-na-nandito lang, na-na-nandito lang ako
Ano man ang pagdaanan, 'wag mong kalilimutan
Hindi ka iiwan, 'di papabayaan, maaasahan
Maniwala lang sa 'yong sarili, iwasang maging negatibo palagi
Mga duda mo'y pakawalan, malalampasan rin naman
'Wag nang mangamba, hindi ka nag-iisa
'Wag ka nang mag-alala, dadamayan kita
Sa oras ng kalungkutan, hindi kita bibitawan
Sa 'kin ka magpahinga
'Wag kang susuko, 'wag magpatalo
Ano mang pagsubok ng mundo
Tibayan ang puso, lakasan ang loob mo
Tumingala, taas noo
Na-na-nandito lang, na-na-nandito lang ako
Na-na-nandito lang, na-na-nandito lang ako
Na-na-nandito lang, na-na-nandito lang ako
Mayro'ng handang makinig, handang yumakap,
Handang saluhin ka muli at muli
Lagi ka lang magtiwala
'Wag mawalan ng pag-asa,