kkk

upbeat, pop, electro

June 6th, 2024suno

歌词

ang iyong halaga'y hindi masusukat ng anong yaman na taglay ng mundong yaon. di mapapantayan maski ng pilak at ginto. dinadaig ng wari mong liwanag at ganda ang mga bituin sa langit, lalo na ang nag-iisang tala sa pagsapit ng umaga. banayad ang bawat mong haplos sa aking kaluluwa, kagaya ng tubig na kalmado sa batisan sa liblib ng kagubatan. maging ang pagbulong mo'y musika na kay inam pakinggan — parang huni ng mga ibon na mistulang nagkokonsiyerto habang nakikinig ang buong sanlibutan. masarap ka sa pakiramdam. maginhawa, malamig, at magaan. payapa, napupuno ng pag-asa, pahinga, at ng kahinhinan. ika'y tunay na sining ng kalangitan. higit kang tunay na kasiya-siya sa mga obrang matatanaw sa kapaligiran. lubos kang kahanga-kahanga kailanman. ikaw ang pirasong kumumpleto sa larawan na matagal nang kinakabisa ng sa gayon ay mabuo—ikaw ang eksaktong pigura ng kariktan ng kalawakan. ang pagmamalabis ng maykapal ay sinapo mong lahat. hininga mo ang bumuhay sa natutuyo kong kaluluwa—ikaw ang naging batis ng buhay na sasapat. kanlungan kong napupuno ng sigla, tinaglay mo ang tunay na anyo ng saya. kaiga-igaya, kasiya-siya ang mapabilang sa mga larawan na iyong ipininta, maging nililok na pigura, o maski ang bawat mong kanta, maging ng mga hinabi mong prosa at tula—ikaw ang tunay na obra maestra. tahanan, ikaw ang tunay na manlilikha ng iba't ibang anyo ng obra—magkakaiba ma'y pare-parehong may tinataglay na ganda. IKAW ANG TUNAY NA SINING AKING KATIMAWA.

推荐歌曲

Love Song
Love Song

harp, folk, etchnic, love song

収穫の喜び
収穫の喜び

folk acoustic uplifting

kids
kids

bass, drum, piano, jazz, folk

Your Name Below The Sea
Your Name Below The Sea

acoustic guitar, pan flute,

Starlight Trip
Starlight Trip

chill, bass

If I Only Knew
If I Only Knew

female vocalist,pop,indie pop,singer-songwriter,folk pop,indie folk,chamber pop,folk,melodic,acoustic,playful,bittersweet,love

Dance of the Arrows
Dance of the Arrows

melodic, heartfelt, acoustic, female singer

Limelight
Limelight

Hard rock, 1970's, heavy drums

Hello!11
Hello!11

phonk, fast, bass

Kırmızı Balık [Alter 1]
Kırmızı Balık [Alter 1]

Rock, Psychedelic, Mysterious, Female Vocals

Space Groove
Space Groove

futuristic beats afrofuturist hip hop

wet ukrainian heroic vocal trance male acapella,wet ukrainian heroic vocal tranc
wet ukrainian heroic vocal trance male acapella,wet ukrainian heroic vocal tranc

wet ukrainian heroic vocal trance male acapella,wet ukrainian heroic vocal trance male acapella,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,

Another Day
Another Day

Hybrid EDM Trap, Bass Music, Glitch, Cyberpunk, Djent, Agressive, Orchestral, Progressive, Industrial Metal, Male Vocals

Farewell Serenade v2 (female)
Farewell Serenade v2 (female)

heartfelt rich orchestral soulful

Печаль
Печаль

choir orchestral opera symphony orchestra