Panganay na bunso

gospel, flute, acoustic guitar

July 17th, 2024suno

Lyrics

(Intro) hmmmmmmm... hmmmmmmm.... (Verse) Nasa sinapupunan ka palang ng iyong ina, pinadama na sayo ang wagas na pagsinta, inaruga at inaawitan habang natutulog ka, iningat-ingatan sa loob ng siyam na buwan, hanggang isilang ka dito sa sanlibutan. Tiniis ng iyong ina ang sakit noong iniluwal ka niya, puyat at kaba na nadama ay binalewala, upang mailabas kang ligtas at masigla. Una mong pag-iyak ay aming narinig kaya biglang naibsan ang kaba sa aming dibdib, Pasasalamat sa itaas ay agad nasambit at ang kagalakan namin ay labis-labis. mabilis na lumipas ang mga araw, aming binabantayan ang iyong mga galaw, aming napapansin ang matatamis mong ngiti at ang mga ito ay sa puso namin kumikiliti. Ang mga araw ay naging linggo, Ang mga linggo ay naging buwan, pinapatulog ka namin sa aming kandungan, Ikaw ang ligaya sa aming pagod na katawan, sa pagbangon sa umaga ikaw ang dahilan. (Chorus) Anak, dumaan man ang maraming taon, ang aming lakas ay tatalunin man ng panahon, mananatili kang espesyal para sa amin, dahil nag-iisa ka naming baby Arbby Clint. Kahit ma puti man at maubos ang aming buhok, Gaano man kabigat ang dala naming pa ma tok, mananatili ka sa aming puso, dahil ikaw ang panganay namin na bun so! Kahanga-hanga ka dahil pinaglingkuran mo Siya, Ang talento mo sa pag-awit ay binalik mo sa Kanya, ipagpatuloy mo ang iyong nasimulan, huwag kang lumingon sa kaliwa man o kanan, ituon mo ang iyong paningin kay Hesu-Kristo lamang, at sa iyong karununga'y huwag kang mananangan. Sa huli aming anak, ang mga payo'y pakinggan, gawin mong salamin ang ating naranasan, ang hirap man ay may aral din, at ang kabiguan ay may ha mon din. Sa magaspang na daan kakapal ang iyong panyapak, Lalakas naman ang tuhod sa landas na paakyat. Ang buhay ay isang pahina ng mga pagsubok, Kaya sa Diyos mo ipagkakatiwala ang puso mong tumitibok. (Chorus) Anak, dumaan man ang maraming taon, ang aming lakas ay tatalunin man ng panahon, mananatili kang espesyal para sa amin, dahil nag-iisa ka naming baby Arbby Clint. Kahit ma puti man at maubos ang aming buhok, Gaano man kabigat ang dala naming pa ma tok, mananatili ka sa aming puso, dahil ikaw ang panganay namin na bun so!

Recommended

Galletas de Amor
Galletas de Amor

pop rhythmic

Walk in the Rain
Walk in the Rain

12/8 mater, electronic pop, lo-fi, funk

Tomorrow
Tomorrow

electro-pop, 70s disco, smooth female vocals, boogie, catchy, big brass, funky bassline, soaring melody

Shadows Chasing
Shadows Chasing

lo-fi deep beats deep bass synth pads reverb effects indie psych piano

Be With You Tonight
Be With You Tonight

high-energy edm electronic

Dramatic rebel alliance theme in leitmotif style
Dramatic rebel alliance theme in leitmotif style

classical,action,sci-fi,1977,John Williams style,star wars style,Leitmotif theme,modern film music,millitary rhythm,snare drum and timpani,

Sunshine Days
Sunshine Days

pop melodic country indie folk

Faded Memories
Faded Memories

soulful acoustic delta blues

Behind the Mask
Behind the Mask

screamo emo

Astuti
Astuti

Negak pedidi di pasisi setate ngenehang Astuti Dingin angin tusing kerase Ulian kangen nyaputin. O ape patuh ne rasayang

Whole Lotta Lead
Whole Lotta Lead

guitar-driven blues-rock

Stars Aligned
Stars Aligned

electronic pop

ZoomTucker
ZoomTucker

Funk, Dance Pop, Groovy, male vocals

Ode to Steven Pinker
Ode to Steven Pinker

urban country. Female singer.

Neon Dreams
Neon Dreams

90's retro night vibes synthwave